RB Sugbo GT: A commitment

“Measured against the eternity, our time on earth is just a blink of an eye. But the consequence of it will last forever. The deeds of this life are destiny of the next” --- Rick Warren in his book the Purpose Driven Life.

The above quotation is in dedication to a friend who passed away a few years ago. Ernesto “Erning”Panuncillo. To us, who had known him well, he was more than just a dedicated sabungero. Ever helpful to anybody who needed his expertise; he was extremely honest; and selfless, almost to a fault, he was indeed an epitome of a Filipino cocker.

We called each other “Sanga”(partner in Cebuano).We were more than just cocking buddies. We were life-long friends— like brothers indeed.

He was always helping me in my cocking ventures. When I decided to go full blast with breeding some years back, he helped me sourced out top breeding materials.

It was because of him that I was able to acquire the patriarch of all the RB Sugbo ponkan lines -- my favorite brood cock “Ponkan,” an EDL/Excellence sweater, who at the time was otherwise,definitely not for sale in the hands of his brother Arthur, proprietor of the cockers and agrivet product distribution chain,Pacific Barato.

Most of all, he was the one who first mentioned my name to publisher Manny Berbano. It led to my writing for Pit Games and Llammado magazines, an opportunity I cherished most.

Because of my knowing Manny I was able to acquire more top-quality imported and local materials; and, met in person, distinguished breeders, and legends of our time. And, because of Pit Games and Llammado, I gained new friends and customers from as far as the Ilocos regions in the north, and Basilan in the south, not to mention the many others outside the country. These things, I owed to Sanga.

Erning was also instrumental to the mission-vision of RB Sugbo chicken venture. Sanga had repeatedly told me: “Breed for the common sabungeros, the ordinary cockers and small time breeders who have neither the access nor the means to acquire expensive fowl. And, don’t just sell them chickens, also afford them technology.”

His idea was that we will not just breed and sell fowl but also take active part in technology transfer, thus the name RB Sugbo Gamefowl Technology.

On our part, with right technology, we could produce more good chickens at much lower cost. Therefore,we could priced our fowl at a level affordable to the common sabungeros.

Now, RB Sugbo Gamefowl Technology is committed to helping the common sabungeros.

RB Sugbo breeds quality fowl affordable to the common sabungero. It is also engaged in the transfer of gamefowl technology, for as economically as possible. RB Sugbo GT has been doing this since 2003 . RB Sugbo is constantly into research on the different aspects of cockfighting such as selection, handling, conditioning, pointing, and effective knife designs.

Since 2007, it has been totally committed to helping Masang Nagmamanok (MANA) Inc., a nationwide movement championing the cause of the common sabungeros.

Sugbo bloodlines such as the Ponkans and Sugbo Lemons, priced well within the reach of the common sabungero,are holding their own against respectable opposition.

RB Sugbo publications are also well circulated among the common sabungeros, mainly through MANA. It also conducts seminars, trainings and at-farm-hands -on and/or on-line technology transfer.

RB Sugbo GT is also technical and marketing consultant to a number of upstart breeders in the Philippines. Founder Rey Bajenting is also founder of MANA, writer in Pit Games and LLammado Magazines, Editor of Dyaryo Larga and founding director of Central Visayas Breeders Association (CVBA).

Monday, September 15, 2008

The Boy Scout Keep


Boy Scout Keep: Laging Handa
Kamanang Rey Bajenting
RB Sugbo
Gamefowl Technology

Ang boy scout keep ay isang pamamaraan kung saan ang isang manok ay laging handa. Bagay ito sa atin na mga karaniwang sabungero. Mga sabungero na malimit sa hack fights lang lumalaban. Di sila pumupusta ng malaki. SA katunayan di nila alam kung kailan sila magkaroon ng pamusta at nang mailaban ang kanilang mga manok. Kaya kailangan talagang ang manok ay laging handa at puwedeng ilban ano mang oras na kakayanin na nang bulsa.

Ang mayayaman ay laging handa ang mga bulsa kaya wait na lang sila kung kailan handa ang manok. Tayo naman dapat laging handa ang manok at wait tayo kailan handa ang bulsa.

Una sa lahat, pagkatapos maglugon purgahin ang mga manok at paliguan ng anti-mite shampoo. At saka tingnan kung di ba sobrang bigat o payat ang mga manok. Kapag ayos lang, samakatuwid ay handa na sila isabak sa ating Boy Scout Keep.

Dahil common man's keep nga, ito ay matipid sa pera, sa panahon, at sa lugar. Kaya natin itong gawin kahit nag-iisa. Ang kakailanganin lang ay ang cord o talian na hindi aabot sa P20 ang halaga; 3x3 folding wire pen na mabibili sa halagang P200; kulungan na suguro'y gagasta ka ng P100 bawat isa; at maliit na sulok sa iyong bakuran na mai-ilawan kung saan pwede mong pakainin at bahagyang i-exercise ang manok kung gabi. Dahil hindi naman tayo mapera at walang sapat na lugar hindi na tayo gagasta pa para sa conditioning at running pens, flying pen, pointing pen, scratch box, training table at iba pa.

Ang pagkain naman natin ay karaniwang grain concentrate at pigen pellets lang o kaya’y yong GMP ng Sarimanok (Thunderbird). Siguruhin lang na ang pigeon pellets ay may mataas na crude protein contents o mataas ang porsyento ng protina.Kung ang isang kilo nito ay hahaluan natin ng isang kilo ring concentrate magkakaruon na tayo ng pagkain na may 15-16% protein, tulad ng mga pre-mix maintenance feeds na mabibili sa mga agrivet supplies.

Dahil walang siguradong schedule ang laban ng ating manok, dapat ay ito ay isang boy scout, laging handa. Mas mainam na sa kulungan lang ito patulugin sa gabi upang hindi mabasa kung umulan at mahirap pa nakawin. Ilabas ito kina-umagahan mga bandang alas singko ng umaga at ilagay sa talian.

Bandang alas-sais ikahig ito ng dalawa o tatlong minuto. Kung ikaw lang mag-isa at wala kang katulong sa pagkahig doon mo na lang ikahig sa isang manok na nakatali. Yung hindi pa ilalaban o isang reject o baldado na. Pagkatapos ay ilagay mo sa 3x3 na may lamang tuyong dahon ng saging. Bigyan ng iilang pirasong cracked corn at pabayaang mag scratch ng 10 o 15 minuto. Pagkatapos ay ibalik ito sa cord.

Pakainin alas-siyete at huwag kalimutang bigyan ng tubig. Pabayaan lang sa talian hanggang tanghali. Kung ikaw ay may pasok siguruhin na palaging may masisilungan ang manok sakaling uminit o umulan. At ihabilin sa iyong asawa o anak o sino man ang maiiwan sa bahay na tingnan at siguruhin na walang aksidenteng mangyayari sa manok.

Mas mainam kung ikaw ay makakauwi sa tanghali. Pag-uwi mo sa tanghali hilamusan agad ang manok at ilagay sa 3x3 na may tuyong dahon ng saging at bigyan ng kaunting tukain at hayaang kumahig habang ikaw ay nananghalian. Kung ako, doon ako kakain sa harapan mismo ng manok. Hindi lang na mas gaganahan akong kumain pag may manok na nakikita, mapagmamasdan ko pa ng husto ang kondisyon ni tinali. Pagkatapos ay ibalik sa cord at doon na sya buong maghapon.

Pagdating mo sa hapon pakainin agad ang manok. Kung ang uwi mo ay palaging maaga at may araw pa duon nalang pakainin sa cord. Pagkatapos hayaan mo sa talian. Pag itoy humapon na ibalik sa lupa at hayaang humapon uli. Ulit-ulitin ng apat o limang beses ang pagbaba sa gayon ay mapilitan itong lumipad at humapon uli pabalik at ma-ehersisyo ng husto. Pagkatapos hayaan mo nang humapon at magpahinga ng mga 30 minuto o isang oras bago ipasok sa kulungan.

Ganito lang ang gagawin mula Lunes hanggang Biyernes. Tuwing Sabado ipahinga mo na si manok matapos ang pananghalian. Ilagay mo na sa kulungan buong hapon at ilabas mo sandali sa oras ng kanyang pagkain sa hapon. Sa Linggo, ilabas mo ito at ilagay sa cord mga alas-sais ng umaga. Pakainin mo alas-siyete at paglipas ng 30 minuto ibalik sa kulungan. Handa na si manok kung sakaling ilalaban mo mo sa araw na ito. Kung hindi mo ilalaban dahil kulang ang pamusta mo o kaya natalo ka sa ibang manok, isampok o ispar mo itong bandang alas-tres o alas-kwatro ng hapon.

Tandaan lang maigi ang sumusunod:
1. Ang ating normal na pagkain ay parehas ang halo ng concentrate at pellets. Isang sukat bawat isa. Ngunit sa tatlong huling pagkatuka bago ang laban ay gawin mong 1 sukat ng concentrate, kalahating sukat ang pigeon pellets at lagyan mo nang kalahating sukat na cracked corn. Umpisa mo itong ibigay Sabado ng umaga. (Carboloading. May iba ring sistema na hindi na gumagamit ng ganitong pamamaraan sa carboloading. Tingnan sa Manwal)

2. Kung sa tantiya mo ilalaban mo si manok ma-aga-aga sa Linggo, kalahati o 1/3 nalang ng kanyang nakasanayan na dami ang ibigay mo sa Linggo ng umaga.

3. Huwag kalimutang paliguan ito kinabukasan kung ito ay inispar mo sa halip na ilaban.

4. Painumin ng tubig kahit sa araw ng laban. Sa derby may schedule na sinusunod at ang manok ay nasa kulungan lang namamahinga habang naghihintay sa oras ng laban. Dahil dito pwede mong kontrolin ang moisture nito para eksakto ang pointing. Pero sa hack fight hindi mo alam kung kailan mailaban ang iyong manok at maliban pa, kailangan niya ng moisture sa ulutan dahil malamang na mainit at lagi pa itong hinahawakan habang inuulot. May init ang kamay ng tao.

5. Bigyan ng mumurahing multi-vitamins ang manok mo isang tableta bawat Lunes, Miyerkules at Biyernes. At mumurahing B-12 tablet naman yung 100mcg lng , tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Ang mga tabletang ito ay hindi aabot ng piso ang halaga bawat isa.

6. Hilamusin ng kaunti ang mukha ng manok at basain bahagya ang sa puwetan, gilid at paa tuwing umaga, tanghali at sa gabi pagkakain.

7. Tandaan mabuti ang hipo ng manok saan pinakamagaling siyang lumaban pag-inispar. Ang manok na underweight, payat o kaya masyadong tuyo ang katawan karamihan ay mahinang pumalo, walang lakas at wala sa timing. Ang overweight, sobra sa tigas ng katawan o kaya sobra ang basa ng katawan naman ay mabagal kumilos at medyo short ang palo. Ngunit may mga manok na gusto ang medyo payat o medyo mataba kaya ang pinakamaigi pa rin ay sundin ang hustong timpla saan ang manok ay kikilos ng maigi overweight man siya o underweight ng bahagya.

IDOLO

IDOLO
Lance de la Torre, the idol of masang sabungero, with Cyberfriends president Raul Ebeo (left) and MANA founder Rey Bajenting.

RB-RTE Ponkan

RB-RTE Ponkan
A typical new generation ponkans of RB Sugbo and Raul T. Ebeo.

Price List of the sugbos (big discounts are extended to MANA members)

  • Battlecock ----P 7,000
  • Battlestag/bullstag ---------------- P 6,000
  • Broodcock/stag ----------------- P12,000
  • Pair----------------- P 18,000